top of page
Search

Kailangan Kita Maging Sino Ka Man


Sa nalalabi pa ng buhay kong tangan

Ninais kong ikaw aking matagpuan.

Maging sino ka man ika’y kailangan

Ng pag-mamahal kong sa ‘yo ilalaan.



Kailangan ko ang isang sandalan

Na maaasahan ko mag-pakailan man,

Matibay na gabay na aking agapay

Sa buhay kong ito’y nais matagpuan.



Kung may suliranin, ako’y papakinggan

Kung isiwalat ko ang mga dahilan,

Kung nalulungkot, aaliwin naman

Ng iyong pag-suyong may lunas na taglay.



Sa mga kilos mo’t sulyap na maamo

Doon madarama tibok ng ‘yong puso,

At iyong damdaming makakarahuyo

Sa abang lagay kong ayaw masiphayo.



Hahanapin kita sa buong daigdig,

Sa lupa, sa dagat at sa himpapawid.

Aking itatala ang aking pag-ibig

Upang matunghan mo’t sa aki’y lumapit.



Inaapuhap ko sa aking pag-tulog

Mahigpit na yakap ng mahal na irog,

Sa tamis ng halik ako’y matutulog,

Kung pangarap lamang, ako’y natatakot.



Kaya ang dalangin sa Poong Maykapal

Sana ikaw naman ngayon ay dumatal.

Hinanap kita, nais matagpuan

H’wag sa panag-inip na kinatakutan.



Kailangan kita, maging sino ka man

Upang sa piling mo aking matag-puan

Tunay na pag-ibig; inaasam-asam.

Kailangan kita, maging sino ka man.



Composed by Jose Monzon on August 16, 2006

10 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page