Nang musmos at mangmang ang aba kong buhay
Si Daddy, si Mommy ako’y ‘sinasayaw.
Sa saliw ng tunog kanilang hinirang;
Sa bisig ni Daddy ako’y nakasaklay;
Sa pag-uumindak na lubhang marahan
Nakakatulog akong lubos kasiyan
At inilalapag sa aking himlayan.
Ngayong wala na s’ya’t kami ay nilisan,
Gustong maulit ang gayong sayawan.
Kakantahan ko s’ya aking isasayaw;
Himig na malambing, sayaw na marahan
Na di matatapos, hindi wawakasan.
Iyan ang ibig ko, Ibig kong malaman
Ng mahal kong Daddy, kahit s’ya nasaan.
Kung kay Mommy ako’y nagtatampo
Ay laging kay Daddy ako tumatakbo.
Dahil ang isipan noon ay magulo
Nag-lalambing siya pinatatawa ako.
Napipilit akong kay Mommy tumungo
Humingi ng tawad kung may sala ako,
Ganiyan si Daddy...na sinusnod ko.
May isa pa sanang pag-sayaw at indak
Sa saliw ng awit malambing-matimyas,
Sa bisig ni Daddy minsaan pang maganap
Ang kami’y masayang hindi lang pangrarap
Sumayaw, sumayaw, umindak, umindak
Sa tono ng awit na galak na galak.
Di sana matapos, ang aming pag-indak.
Kung gabing tahimik ang kapaligiran
Na itong si Mommy’y sakbibi ng lumbay,
At dumadalangin sa Poong Mahkapal
Na mabalik sana sa kanyang kadungan
Ang aking si Daddy na pinakamamahal.
Itong aking puso’y nag-durugo naman
Sa pag-hihinagpis, di ko matulungan.
Kailan pa kaya muling mauulit
Ang gayong sayawan ay muling sumapit?
Kailan pa kaya muling mauulit
Ang gayong sayawan ay muling sumapit?
“Diyos maawa ka, kahit panag-inip
Kami ay sasayaw, kami ay aawit
Sa piling ni Daddy ng paulit-ulit.”
Composed by Jose Monzon
Comments